Iloilo City- Patuloy pang iniimbestigahan ng mga otoridad ang pinaniniwalaang pang-gagahasa ng dalawang lalaki sa isang dalagita sa lungsod ng Iloilo.

Ang biktima ay kinilalang si alyas Baby 17 anyos, at residente ng Iloilo City Proper, samantala ang mga suspek naman ay nasa 18 hanggang 19 anyos

Sa ekslusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Police Staff Sergeant Ma. Elena Doliguez, pinuno ng Women and Children Protectioon desk, sinabi nito na sa ngayon, hinihintay pa nila ang medical certificate ng biktima hinggil sa nangyaring panggagahasa.

Ayon kay Doliguez, niyaya ng dalawang lalaki si Baby na pumunta sa Fiesta sa Barangay Pakiad Oton Iloilo, ngunit hindi ito natuloy, sa halip pumunta sila sa barangay Trapiche sa nasabing bayan at doon na nagkayayaang uminom, hanggang sa nangyari na ang sinasabing paggagahasa.

Sa ngayon patuloy pa na pinaghahanap ng mga pulis ang dalawang lalaking nakilala lamang ng biktima sa pamamagitan ng social media.