Reading Time: 1 minute

LAOAG CITY – Kinumpirma ni Police Captain Ralph Dayag, ang chief of police ng Pasuquin-Philippine National Police, na isang menor de edad ang natabunan sa nanyaring pagguho ng lupa sa Barangay Surong sa nasabing bayan.

Nakilala ito na si Pauleen Joy Corpuz, 17-anyos, walang asawa at residente Barangay 28, Surong sa nasabing bayan.

Sa inisyal na impormasyon na nakalap ng Bombo Radyo Laoag kay Dayag, naiwan aniya ang biktima sa loob ng kanilang bahay habang ang pamilya nito ay nasa evacuation center na.

Sinabi nito na hindi agad pumunta sa evacuation center ang biktima dahil inaayos nito ang kanilang mga kagamitan sa bahay ngunit habang abala ito ay gumuho ang lupa.

Dahil dito, natabunan ang kanilang bahay kaya hindi na nakalabas ang biktima.

Matapos nag ilang oras ay natagpuan ang dalagita ngunit wala na itong buhay.

Sa bayan naman ng Sarrat, apat na landslide ang naitala at ang pinakagrabeng nangyari ay sa Barangay 22 kung saan nasira pa nag riprap ng kalsada.