CAUAYAN CITY- Isang 16 anyos na dalagita ang ginahasa ng isang hindi pa matukoy na suspek sa Ambalatungan, Santiago City

Sa inisyal na pagsisiyasat na isinagawa ng mga mga kasapi ng Presinto uno ng Santiago City Police Office , Nakaidlip habang nakaduty ang dalagita sa kanyang pinagtatrabahuang stall na sinamantala ng suspek para makapasok sa naturang stall.

Nagulat na lamang ang biktima ng magising at may nakatutok nang baril sa kanyang ulo.

Inutusan ng suspek na sumakay ang biktima sa kanyang kotse na kalaunan ay dinala sa isang hindi pa matukoy na lugar at isinakatuparan ang panggagahasa sa loob ng sasakyan nito.

Ayon sa salaysay ng biktima, naka-bonete ang suspek at tanging ang mata lamang nito ang kanyang naaninag.

Kalaunan ay ibinaba ng suspek ang biktima sa Barangay Ambalatungan at doon humingi ng tulong ang naturang biktima sa mga opisyal ng Barangay.

Agad namang pinagbigay alam ng biktima ang pangyayari sa himpilan ng pulisya.