-- Advertisements --

CAUAYAN CITY- Sinampahan na ng kasong reckless imprudence resulting in Homicide ang retired Army na nagmamanehong ng sasakyang bumangga-patay sa isang dalaga sa Provincial Road ng Barangay Ballelleng, Sto. Tomas, Isabela.

Ang suspect ay si Alberto Macaballug Quintana,52 anyos, may-asawa retired Army at residente ng Brgy. Poblacion, Sto. Tomas, Isabela

Ang biktima ay si Shiela-Ann Cataggatan, 22 anyos, dalaga, residente ng Brgy. Ballelleng, Sto. Tomas, isabela

Sa naging panayam ng Bombo Radyo auayan, inihayag ni Police Major Felix Mendoza, hepe ng Santo Tomas Police Station ang biktima ay lulan ng motorsiklo patungong Hilagang Direksiyon habang ang suspect ay nagmamaneho ng Mitsubshi Adventure na patungo rin ng north directiton

Mabagal anya ang takbo ng motorsiklo nang biglang sumulpot ang sasakyan ng pinaghihinalaan at binangga ang biktima.

-- Advertisement --

Positibo sa nakalalasing na inumin ang suspect nang maganap ang aksidente.

Dinala sa pagamutan ang biktima ngunit binawian ng buhay

Sinampahan ng kaso ang suspect at nakapaghain ng kanyang piyansa