-- ADVERTISEMENT --

“Halong tuwa, luha at pagbubunyi.”

Ganito inilarawan ni Pamela Riofrio, ang kanyang naging pagkamit sa kanyang tagumpay matapos nitong makuha ang ikatlong pwesto ng mga nanguna sa kakatapos lamang na licensure examination for teachers (Elementary) 2021.

Ayon kay Riofrio, malaking pagsubok umano sa kanya ang pagkakakansela kamakailan ng naturang eksaminasyon dahil na rin sa pandemya.

Ngunit hindi naman umano tumibag sa hangarin nito na maging isang lisensyadong guro.

Kaya naman pagkaraang malaman nito ang resulta ng nabanggit na pagsusulit na mula sa pagbati ng kanyang mga kaibigan ay agad niya itong ipinagbigay alam sa kanyang magulang.

-- ADVERTISEMENT --

Aniya, isa umanong pribilihiyo na mapabilang sa mga top performing examiners sa naturang board exam ngayong taon dahil hindi rin umano biro ang sakripisyo at hirap ng mga katulad niyang nag-exam.

TINIG NI PAMELA RIOFRIO

Kabilang si Riofrio sa higit 4 na libo na pumasa mula sa 8 libo na kumuha ng lisensya sa pagiging guro sa elementarya ngayong taon.