-- ADVERTISEMENT --

DAGUPAN CITY – Arestado ang isang lalaki na tubong San Quintin, Pangasinan sa Luzon Avenue, Old Balara, Quezon City.

Pinangunahan ng San Quintin Municipal Police Station katuwang ang mga tauhan mula sa RID PRO1, at Batasan Police Station 6 Quezon City Police District sa patnubay at gabay ni P/Capt. Ramsey Ganaban, Chief of Police ng nabanggit na himpilan, sa bisa ng Warrant of Arrest na inilabas ng Regional Trial Court BR 52, Tayug, Pangasinan noong July 6, 2022 ang naturang pag-aresto.

Ayon kay Police Captain Ramsey Ganaban, normal lang sa isang convict ang magtago lalo na kung nilalabasan sila ng Warrant of Arrest, kaya matagal rin bago nila natunton ang lokasyon ng suspek, na siya namang nag-alibi na sadyang doon lang talaga siya nagtratrabaho.

Dagdag din ni Ganaban na matagal nang nasa watchlist ng drug personalities ang suspek, at matagal na rin nilang minamanmanan ang mga aktibidad nito.

Ang suspek ay may kasong paglabag sa Article II, Section 11 ng Dangerous Drugs Act of 2002 o Republic Act 9165 at paglabag sa Republic Act 10591 o ang Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.

-- ADVERTISEMENT --

Ang naturang lalaki ay isang 46 na taong gulang, walang asawa, at nagmula sa Barangay Lumayao, sanatuarng bayan

Kasalukuyang nasa kustodiya na ng San Quintin Municipal Police Station ang suspek para sa kaukulang disposisyon.