-- ADVERTISEMENT --

Sugatan ang isang pulis matapos mahulog ang sinasakyan nitong police mobile sa isang bangin sa Brgy. Bocboc West sa bayan ng Aguilar, Pangasinan.

Ayon kay PLT Phillip Belly, ang Deputy Chief of Police ng Aguilar PNP, ang biktima ay si PSSG Reynante Abril na isang imbestigador sa Aguilar PNP at residente rin ng naturang bayan

Ang biktima na driver umano ng police mobile ay galing sa duty ngunit habang nagmamaneho ay hindi gumana ang manibela na dahilan kung bakit nahulog ito sa halos 15 talampakang bangin sa naturang lugar.

Bilang resulta, nagtamo ito ng sugat sa noo at katawan.

Maswerte naman na maayos na ang kalagayan ng biktima at dinala sa hospital upang magpagaling.

-- ADVERTISEMENT --

Saad pa ng opisyal na chinicheck umano ng mga ito ang kanilang mga sasakyan ngunit ang naturang mobile ay pinipilit nalang umanong buhayin upang magamit pa.

Nagpaalala naman ito sa publiko na mag-ingat palagi sa pagmamaneho dahil hindi maiiwasan ang aksidente at laging tandaan ang blowbagets bago gamitin ang sasakyan.