Problema sa pamilya ang tinitignang dahilan ng mga kapulisan sa pagpapakamatay ng isang dise ocho anyos na lalaki sa Brgy. Ventinilla sa bayan ng Sta.Barbara, Pangasinan.

-- Advertising --

Ayon kay PLT Noven Quitalig, ang Deputy Chief for Operations ng Sta. Barbara PNP ang biktima na residente rin ng nabanggit na lugar ay natagpuan ng kaniyang ama na nagbigti sa isang puno ng manga malapit sakanilang bahay.

Sinubukan pa itong dalhin sa Mapandan Community Hospital ngunit ideneklara ding dead on arrival ng attending physician.

Sa nakalap naman na impormasyon ng mga kapulisan mula sakaniyang tatay, napag-alaman na ilang araw nang malungkot at tulala ang bIktima.

Maaari umanong family problem ang dahilan ng pagpapakamatay nito dahil siya ay may broken family at ngayon ay nasa puder ng kaniyang ama.

PLT Noven Quitalig, Deputy Chief for Operations -Sta. Barbara PNP

Nanawagan ang opisyal sa kaniyang mga kababayan na lumapit sa mga kapulisan o mga kinauukulan upang matugunan ang ganitong klase ng problema at maiwasan ang mga kaso ng pagpapakamatay.