DAGUPAN, CITY— Ikinakabahala ng Philippine Mental Health Association Pangasinan Chapter ang mas maraming bilang ng mga kliyente na nagpapakunsulta at nagpapagamot sa kanilang mental problems .

Ayon kay Dr. Michael Romero, executive manager ng naturang assosasyon, napapanahon talaga na matugunan ng provincial government ang naturang usapin dahil sa unang quarter pa lamang ng 2021, ay nasa 29 porsyento ang itinaas ng bilang ng mga nagpapakonsulta ukol sa kani-kanilang mga mental health problems kumpara sa datos mula noong 2020.

-- Advertising --
Tinig ni Dr. Michael Romero, executive manager ng Philippine Mental Health Association Pangasinan Chapter

Sa nasabing bilang kasi, nasa 148 ang average client kada buwan kung saan karamihan sa mga ito ay kabilang sa 18 taong gulang pababa.

Kung kaya kumpara sa 115 kada buwan mula noong Enero-Disyembre 2020, malaki umano ang itinaas ng bilang nito.

Ibinahagi din ni Romero na mula sa datos na kanilang naitala mula 1998-2020, nanguguna ang lungsod ng Dagupan sa may pinakamaraming indibidwal na nagpapakunsulta kaugnay sa kanilang mental health.

Sinundan ito ng siyudad ng San Carlos, bayan ng Binmaley, Malasiqui, at Sta. Barbara.

Tinig ni Dr. Michael Romero, executive manager ng Philippine Mental Health Association Pangasinan Chapter

Kung kaya’t patuloy na ikinakampaya at isinasagawa ng kanilang hanay ang school and community base mental health program sa kabila ng stigma sa usaping mental health upang maipalaganap ang mahahalagang impormasyon ukol rito. (with reports from: Bombo Framy Sabado)