-- ADVERTISEMENT --

Nagbigay linaw ang tanggapan ng Philippine Statistics Authority o PSA sa ilang mga usapin na kumakalat ukol sa PhilSys ID.

Giit ni Camille Carla Beltran, Regional Focal Person-PhilSys, inaakala ng ibang tao na ito’y naglalaman ng ayuda ngunit mula na din sa kanilang ahensya, wala itong katotohanan at isa lamang ito sa mga layunin ng financial inclusions ng PhilSys.

Pangalawang issue, marami din ang nagsisipag labasan sa facebook na nagsasabing sila ang magsis-set ng appoinment.

Ayon kay Beltran, napaka dali lamang na mag set ng online registration kayat mas mainam kung huwag na lamang magpa assist sa iba dahil mayroon ding posibilidad na gamitin ang mga impormasyong nailahad.

Kapag nakuha na din ang mismong appoinment reference number, hanggat maaari iwasan itong i-post sa social media dahil masyado itong confidential kung saan nakalahad dito ang mga kumpletong impormasyon ng mga miyembro na maaaring samanatalahin ng ibang tao.

-- ADVERTISEMENT --
Camille Carla Beltran, Regional Focal Person-PhilSys

Kasabay nito, muli din nilang hinihikayat ang mga government agencies at private institutions na tanggapin na ang Phil ID bilang valid proof of identity para sa lahat ng transaksyon alinsunod sa sa RA 11055.

Laking tuwa nila dahil may ibang ahensya na ang nagbigay ng kanilang suporta gaya na lamang ng Bangko Sentral, DILG, DFA at Philpost