DAGUPAN CITY — Pormal ng inilunsad ang Philippine Moral Transformation 2020, dito sa lalawigan ng Pangasinan kaninang umaga.
Pinangunahan ito ni PACC Commissioner Greco Belgica kung saan sinamahan naman ito nina Pangasinan Gov. Amado Espino III at Vice-Gov. Mark Lambino.


Ginagawa ang aktibidad sa Pangasinan Training and Development Center sa bayan ng Lingayen. Dinaluhan din ito ng nasa 48 mga kinatawan mula sa iba’t-ibang Local Government Unit (LGU) dito sa probinsya.

-- Advertising --

Ayon kay Belgica, ngayon lamang nabuo ang Presidential Office of the Religous Affairs sa ilalim ng pamumuno ni Pangulong Rodrigo Duterte kung saan ang tatay nitong si Pastor Grepor “Butch” Belgica ang mamumuno. Aniya, ang tangapang ito ang siyang tutulong para sa target na pagbabago sa moral ng Gobierno na matagal ng nabalot ng kurapsyon.


Subalit, bukod sa paglaban sa kurapsyon, natalakay din sa nasabing aktibidad ang patungkol sa problema sa iligal na droga, insurhensya at iba pang isyu na nakakapekto sa maayos na pamamahala ng Gobierno. (With reports from Bombo Everly Rico)