Inalerto na ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office o PDRRMO ang ibat ibang Local Disaster Risk Reduction and Management council sa lalawigan ng Pangasinan sa posibleng pagkakaroon ng flashflood at landslide dahil sa tuloy tuloy na pag ulan.

Ayon kay Ron Dale Castillo, Emergency Operation Center Director, PDRRMO, nagpost din sila sa Fb page ng datos ng Pag Asa at mga lugar na posibleng makaranas ng flash floods at landslide.

-- Advertising --

Sinabi ni Castillo na wala namang gale warning sa lalawigan gayunman nagbigay ito ng payo na mag iingat pa rin ang publiko lalo na ang mga mangingisda.

Bagamat walang hangin at puro ulan lang ang maranasan ay maigi pa rin aniyang maghanda at doble ingat.

Ron Dale Castillo, Emergency Operation Center Director, PDRRMO

Sinabi pa ng opisyal na handang handa na ang evacuation center para sa mga pamilya na posibleng ilikas.