“Matinding debosyon sa kanilang paniniwala at kultura.”

Ito ang nakikitang dahilan ni Bombo International Correspondent Sarah Ji Narvadez, na isang Filipino tourist sa India at Yoga Teacher & Bodyworker ukol sa pagsasagawa ngayon ng mga mamamayan sa India ng iba’t ibang mga pagtitipon sa kabila ng COVID-19 pandemic.

-- Advertising --

Ayon kay Narvadez, nakagawian na talaga ng mga Indians ang pagsasagawa ng mga pagdiriwang kung kaya naman kahit sa kabila ng pandemya ay hindi talaga maaawat ang mga ito.

Aniya, aasahan na nasa dalawang milyong tao ang nakikiisa sa selebrasyon sa Mumbai City.

Sa ngayon ay isinasagawa ng 11 araw ang Ganesh Chaturthi festival na isang pagdiriwang ng pagbabalik ng Diyos ng Elepante na si Ganesha kaya naman dahil dito ay napag-alamang naghahanda na ang gobyerno ng India sa pinangangambahang 3rd wave ng COVID-19 case.

Ngunit pagsisiguro naman ni Narvadez na may ilang lugar na rin ang bumaba na ang kaso ng nabanggit na sakit kaya nagiging bukas ang maraming mga mamamayan sa mga maliliit na pagtitipon.