Maikukunsiderang murder kung may intensyon na patayin ang mga tao sa pamamagitan ng covid 19.

Ito ang paliwanag ni Atty. Joseph Emmanuel Cera, constitutional lawyer sa lalawigan ng Pangasinan kaugnay sa pang sang ayon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa panukala ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo na maaring makasuhan ng murder ang isang indibidwal na patuloy na gumagala kahit alam ng positibo sa COVID-19.

-- Advertising --

Ayon kay Cera, napaka importante ang intensyon para masampahan ng kasong murder ang isang tao na may taglay na sakit na covid 19.

Sa madaling salita hindi maituturing na murder kung walang itensyon na gamitin ang sakit sa pagpatay sa ibang tao.

Pero sa panig ni Cera , gusto niyang paniwalaan na ang punto dito ng pangulo ay nais lang ipaalala sa mga tao na kung may hinalang may sintomas ng covid ay manatili lamang sa bahay, huwag nang gagala mag quarantine at kung sakaling malala na ang situwasyon ay magpunta sa hospital.

Gusto niyang paniwalaan na gumamit lang ng figure of speech si pangulong Duterte.

Minsan ay nagiging hyperbolic aniya ang pangulo upang maintindihan ng tao ang gusto niyang ipunto.

Atty. Joseph Emmanuel Cera, constitutional lawyer

Matatandaan na sinabi ng Pangulo na maghahanap siya ng batas na maaring ikaso laban sa isang indibidwal na matigas ang ulo at hindi sumusunod sa health protocols na itinakda ng pamahalaan laban sa COVID-19.