Tinitignan sa positibong pananaw ng mga Filipino sa Estados Unidos ang resulta ng naging laban ni Fighting Senator Manny Pacquiao kontra kay Cuban champion na si Yordenis Ugas sa WBA welterweight division.

Ayon kay Bombo International Correspondent Atty. Arnedo Valera bagaman marami ang nagulat sa upset win ni Ugas sa pambansang kamao, ang paghanga at pagbibigay pugay ng lahat ng nanuod sa naturang laban ay ibinigay para kay Pacquiao.

Aniya, kung gaano kalaki ang suporta umano ng mga Pinoy at maging ng mga banyaga sa naturang ring icon, ay ganoon din umano sana ang ibigay ng mga nasa Pilipinas.

Saad ni Valera, hindi na umaano mawawala sa kasaysayan ng World Boxing ang pangalan ni Pacquiao na nakahilira na bilang boxing icon kasama sila Muhammad Ali, Mike Tyson, Evander Holyfield at iba pa.

Bagaman may ilang pahiwatig at panawagan ang fans ukol sa pagreretiro ng naturang Pinoy boxer, nasa desisyon pa rin umano niya ito at kung sakali ay maaring malaman ang pasyang ito sa mga susunod na mga araw o kaya’y buwan pa.

-- Advertising --
TINIG NI ATTY. ARNEDO VALERA