Inihayag ng isang sport analyst dito sa lungsod ng Dagupan na magiging kapanabik ang game 1 ng NBA finals.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay sport analyst at coach Angel Gumarang, tinawag nitong labanan ng mga super talented team ang paghaharap ng Miami Heat at Los Angeles Lakers.

-- Advertising --

Giit niya na ang LA lakers team ay isa sa mga nagtataglay ng lethal weapon pagdating sa NBA.

Inihalintulad naman niya ang Miami Heat sa Ginebra type sa PBA pagdating sa paghahangad na makuha ang championship.

Sport analyst & coach Angel Gumarang

Parehong kampeon sa Western at Eastern Conference finals, nakatakdang magharap sa darating na Oktubre 1 ang Heat at LA Lakers para sa 2020 NBA championship.