-- ADVERTISEMENT --

Puspusan na ang ensayo ni National Karateka athlete Joco Vasquez para sa World Karate Federation World championship na magaganap sa Nov. 16-21 sa Dubai UAE.

Nasa bubble training sa lungsod ng Baguio si Vasquez kasama ang ibang national karatekas.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan, sinabi ni Vasquez na tubong Dagupan City na hard ang training na ginagawa nila dahil palapit na ang nasabing laban.

Aniya, excited siya sa laban lalot ang sasalihan niya ay world karate championship.

Sa ngayon ay handa na umano siya sumabak sa laban.

-- ADVERTISEMENT --
National Karateka athlete Joco Vasquez