-- ADVERTISEMENT --

Balik operasyon na ang MRT metro system ng Taipei at iba pang trabaho matapos niyanig ng malakas na lindol ang Northeastern Taiwan partikular sa Northeastern Yilan county.

Ayon kay Bombo International News Correspondent Othman Alvarez sa Taiwan, ang lindol ay may lakas na magnitude 6.7 na sinundan pa ng pangalawang pagyanig na magnitude 5.4

Dahil sa lindol ay pansamantalang itinigil muna ang operasyon ng MRT metro system ng Taipei.

Napag alaman na maraming kababayang pinoy ang natratrabaho sa Yilan county pero wala namang nasaktan sa mga ito.

Bombo International News Correspondent Othman Alvarez sa Taiwan