DAGUPAN CITY– Aktong nahuli ng isang lalaking OFW ang kaniyang misis na may kalaguyo sa bayan ng Tayug dito sa lalawigan ng Pangasinan.

Ayon kay PLt. Mathias Choycawen Jr., Police Community Affairs Division (PCAD) Officer, nahuli agad ang asawang babae at sa kasagsagan ng komprontasyon, nakatakbo pa ang ‘di umano’y kalaguyo nito ngunit nang maglaon ay kusa ring sumuko sa kapulisan.

-- Advertising --

Sinampahan ng kasong Adultery ang mga suspek at kung mapatunayan, posible silang makulong ng hanggang anim na taon.

Sa ngayon ay nasa regular preliminary investigation na ang kaso kaya’t pinalaya na muna ng korte ang dalawang magkalaguyo.

Hindi naman lubusang makapaniwala ang naturang OFW o ang legal na asawang lalaki sa nagawa ng kaniyang misis.

PLt. Mathias Choycawen Jr., Police Community Affairs Division (PCAD) Officer Tayug PNP

Pinaalala naman ng kapulisan ang kahalagahan ng pagiging matapat sa kani-kanilang asawa upang hindi na magaya pa ang nabanggit na insidente.