Napuno ng kasiyahan ang estado ng Illinois sa America, dahil sa pangunguna doon ni Pres. elect Joe Biden.

Ganito inilarawan ni Bombo International Correspondent Maria Nicia Guanco, sa Illinois, USA, ang reaksyon ng mga tao doon matapos ang halalan.

-- Advertising --

Aniya, bagamat kakaiba ngayon ang naging eleksyon doon dahil sa ilang mga inilatag na adjusment dahil sa COVID-19 at hindi pagcoconcede agad ni outgoing Pres. Donald Trump, hindi ito nakapigil upang hindi magdiwang ang mga residente doon.

Sa katunayan, ay mahigpit paring tumutok ang mga ito ay ng malaman ng malayo na ang lamang ni Biden ay nagsimula ng magdiwang ang mga tao doon.

Bombo International Correspondent Maria Nicia Guanco

Nabatid na ang Illinois ay isang blue state o maka-democratic party ang karamiha ng mga residente.