Nakisimpatya ang mga residente ng United Kingdom sa paghahatid sa huling hantungan kay Prince Philip, Duke of Edinburgh.

Sa ulat ni Bombo Radyo Dagupan – International Correspondent Vangie Tyler mula sa Bedford, England, lahat ay nakaramdam nang lungkot, at maging ang mga matatanda umano sa nursing homes ay naiyak sa naturang libing.

-- Advertising --

Naging mapayapa umano ang prosesiyon nito at naging napaka organisado bagaman mayroon pa ring COVID-19 pandemic.

Kapansin-pansin din umano ang katahimikan ng lahat sa kasagsagan ng libing nito.

Bombo Radyo Dagupan – International Correspondent Vangie Tyler from Bedford, England

Matatandaang nasa 30 katao lang kasama na ang miyembro ng royal family ang naghatid kay Prince Philip patungong Windsor Castle, kung saan siya ibinurol.

Nilimitahan man ng 30 ang bilang ng mga dumalo sa ceremony, nasa mahigit 700 military personnel naman ang nagbigay ng ceremonial support sa labas bilang pagkilala kay Prince Philip sa kaniyang military career.

Samantala, sa ginawang prusisyon, nakasunod sa kabaong ni Prince Philip na naglakad ang senior members ng pamilya na kinabibilangan nina Prince Charles, Princess Anne, Prince Andrew, Prince Edward, Prince William at Prince Harry kung saan silang lahat ay nakasuot ng civilian clothes.

Ilan din sa mga malalapit na aides kabilang na ang private secretary at personal protection officer nito ang kasama sa funeral march.