DAGUPAN, CITY— Inaasahan pa rin ng mga mamamayan sa Amerika ang tuluyan at pormal nang pagtanggap ng pagkatalo ng kasalakuyan pang US President Donald Trump kay Projected President Joe Biden.

Sa ulat ni Bombo International Correspondent Atty. Claire D’Lou Vergara, mula sa Michigan, USA, ito ay bagaman sa kabila ng lawsuits na isinampa ni Trump sa mga estadong naging susi sa pag-ungos ni Biden sa naturang halalan.

-- Advertising --
Tinig ni Bombo International Correspondent Atty. Claire D’Lou Vergara, mula sa Michigan, USA

Ani Atty. Vergara ay wala umanong sapat na basehan ang pagkamkam nito na mayroong naganap na election fraud dahil sa hindi aniya pagbilang sa mga boto ng kaniyang mga taga suportang republicans.

Kaya’t inaasahan din nilang tuluyan nang mabasura ang kaniyang mga isinampang demanda.