Obligadong maglatag ng kanilang Statements of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN) ang mga government official at maging ng mga empleado ng gobyerno.

-- Advertising --

Ayon kay atty. Joseph Emmanuel Cera, Constitutional lawyer dito sa lalawigan ng Pangasinan, kung wala namang tinatago at malinis ang nakuhang yaman ng isang opisyal ay marapat na magsumiti ng kanyang SALN.

Bagamat may iba naman na tumatanggi na ipakita ang kayamanan dahil sa takot sa kanilang seguridad baka makita ng mga masasamang loob at sila ay mai-black mail.

Ang kainaman din aniya ng paglalahad ng SALN ni pangulong Rodrigo Duterte noong 2018 ay para maiwasan ang corruption.

Atty. Joseph Emmanuel Cera, Constitutional lawyer

Inihalimbawa niya ang isang pangyayare noon na ginamit na isyu ng impeachment ang hindi pag sa submit ng SALN ni dating justice Renato Corona at ganun din ang ginamit kay Supreme Court Associate Justice Marvic Leonen.