Majority sa undecided voters sa Estados Unidos ay mas pumapanig na kay Democratic Presidential Nominee, Joe Biden kontra kay U.S. President Donald Trump.

Sa ulat ni Bombo International Correspondent, Prof. Gabriel Ortigoza mula sa California, USA, ito ay matapos mag-positibo ang resulta ni Trump sa COVID-19 test, kasama ni First Lady Melania.

-- Advertising --

Malaki umanong lamang o advantage ni Biden sa darating na U.S. Presidential Election sa Nobyembre ang paniniwala nito sa siyensa sa pagsugpo ng nabanggit na virus at sa kompiyansa na rin sa mga rekomendasyon ng mga eksperto upang ito ay hindi na tuluyang kumalat pa kumpara kay Trump na sa sarili lamang aniya naniniwala at kinakalaban pa ang mga inilalatag sa safety protocols.

Sa ngayon ay ipinagbabawal umano ng White House ang pagtanggap ng bisita nang dahil sa naturang insedente.