Ikinokonsidera ni Dr. Ofelia Rivera, focal person ng covid 19 dito sa lungsod ng Dagupan na nasa critical risk level ang lungsod dahil sa patuloy na pagtaas ng bilang ng nag-popositibo sa covid 19.

Ayon kay Rivera, halos lahat ng barangay sa lungsod ay apektado na at may active cases ng covid 19 .

-- Advertising --

Kahapon ay nakapagtala ng 76 na bagong kaso dito sa lungsod.

Nasa kritiKal din aniya ang transmission ng virus dahil sa nakalipas na linggo ay nakapagtala ng mahigit na 100 na nagpositibo sa virus sa loob lamang ng isang araw.

Wala pa rin aniyang available na hospital rooms at beds para sa mga critical cases sa lahat ng hospital sa ciudad.

Kung hindi makikipagtulongan ang publiko sa lokal na pamahalaan ay hindi makokontrol ang pagtaas ng active cases sa lungsod.

Dagdag pa nito na hanggang ngayon ay matigas pa rin ang ulo ng mga Dagupeno at nagiging pabaya dahil kapag nakakaramdam ng mild symptoms ay inaakala pa rin nilang trangkaso ito kaya sila ay nagkakahawaan.

Dr. Ofelia Rivera

Muli siyang nanawagan sa publiko na huwag magpakampante at protektahan ang sarili sa pamamagitan ng pagsuuot ng facemask kahit nasa loob ng bahay .