DAGUPAN, CITY— “Emosyonal at naging simple”

Ito ang ibinahagi ni Bombo International Correspondent Tin-Tin Obra, mula sa London, United Kingdom ukol sa naganap na seremonya para sa libing ng yumaong miyembro ng royal family na si Prince Philip sa Windsor Castle.

-- Advertising --

Aniya, ito umano ay dahil na rin sa naging kahilingan ng namayapang prinsipe na kilala rin sa pagiging simple at mapagpakumbabang tao sa kabila ng kanyang mataas na katungkulan at miyembro ng isang makapangyarihang pamilya.

Inilarawan niya na tila nanunuod sila ng isang pelikula sa tindi ng kanilang naramdamang emosyon sa nabanggit na lugar kung saan idinaos ang libing.

Batay sa kanilang nasaksihan na live coverage ng mismong seremonya, sa pagdadala pa lamang ng labi ni Prince Philip ay mararamdaman umano ang pagiging emosyonal ng lahat ng mga dumalo sa naturang libing lalo na ang mismong mga miyembro ng royal family.

Ngunit sa kabila ng pagiging emosyal ng mga indibidwal na nakadalo sa mismong venue ay makikita naman umano kay Queen Elizabeth II ang pagiging matatag ito sa kabila ng pagkawala ng kanyang itinuturing na “strong foundation and support”.

Tinig ni Bombo International Correspondent Tin-Tin Obra, mula sa London United Kingdom

Ayon pa kay Obra, maging ang mga mamamayan sa naturang bansa ay naramdaman ang pagkalungkot dahil na rin sa pagkawala ng isa sa isang miyembro ng royal family.

Sinubayabayan na lamang umano ng mga mamamayan sa naturang bansa ang naturang seremonya dahil pa rin sa paglimita ng makadadalo dahil na rin sa banta ng COVID-19 at bukod pa riyan ay nagkaroon din ng moment of silence para sa huling hantungan ni Prince Philip.

Inilagak naman umano ang labi ng naturang prinsipe sa royal vault na natakda upang ilagak ang mga labi ng mga yumaong mga miyembro ng royal family.

Dagdag pa niya, upang maiwasan umano ang anumang isyu at pagbibigay respeto sa kanilang yumaong lolo, pinaghiwalay sa paglalakad sa mismong seremonya ang magkapatid na si Prince Charles at Prince Wiliam dahil na rin sa katatapos lamang nilang isyu patungkol sa racism.