Natagpuang ang lumulutang na katawan ng isang kwarenta anyos na lalaki na dumaranas di umano ng mental disorder matapos malunod sa isang ilog sa Brgy Amandiego sa lungsod ng Alaminos.

Natukoy ang naturang biktima na si Bengie De Vera, walang trabaho at residente sa nasabing lugar.

-- Advertising --

Base sa nakalap na impormasyon mula sa Alaminos CPS, habang naglalaro malapit sa ilog, nakita ng 11 taong gulang na si Chelsea Rabaya ang naturang biktima na sumisid at lumangoy sa naturang ilog subalit ilang minuto ang lumipas, nakita ng saksi na lumulutang na ang katawan ng lalaki at walang malay kung kayat agad itong humingi ng tulong nuka sa pamilya ng nalunod na biktima.

Isinugod ng rumispondeng kapulisan ang biktima sa Western District Hospital sa Alaminos City subalit idineklara ito kalaunan na DOA ng doktor.