Inaresto ng mga awtoridad ang isang lalaki makaraang ireklamo ng panggagahasa ng kanyang kapitbahay sa alaga nitong baboy, sa bayan ng SuaL,Pangasinan.

Kinilala  ang naaresto na si Rommel Marimla , 21  anyos, binata, construction worker at residente ng  Bolaoen, Sual, Pangasinan.

-- Advertising --

Una rito, nagreklamo ang  isang Jomar Austria , 41 anyos, may asawa , OFW at residente  rin sa nasabing lugar  matapos gahasain ng suspek ang  kanyang alagang walong buwang gulang na baboy sa kanilang bakuran.

Bilang  ibidensya nito ang pagdurugo umano ng ari ng baboy.

Ayon pa sa complainant,  ang alaga niyang baboy ay  inaalagaan niya para manganak  para makadagdag sa kanyang kinikita.

Sa ngayon  ang suspek ay  nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa  R.A. 8485 at Grave Scandal sa  Prosecutors Office sa bayan ng Lingayen.