Nagpapatuloy pa rin ang isinasagawang search and rescue operation ng mga otoridad sa walong taong gulang na bata matapos mahulog sa ilog sa Brgy. Carmen East, Rosales.

Kinilala ang biktima na si Angel Baturi na residente rin ng naturang lugar.

Ayon sa kapulisan, kasama umano nito ang kaniyang kuya na 9-anyos habang naliligo sa ilog na malapit sa kanilang bahay at nang kukunin sana ni Angel ang kaniyang tsinelas na nahulog sa ilog, tinangay na umano ito ng agos ng tubig dahilan ng kaniyang pagkakalunod.

Katuwang na ng Rosales Police Station ang Bureau of Fire (BFP) at Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), pati na rin ang mga kalapit bayan sa posibleng retrieval ng nasambit na menor de edad.