Umabot na sa higit dalawang milyon ang kabuuang bilang ng mga rehistradong botante sa probinsya ng Pangasinan.

Ayon kay Atty. Marino Salas, Pangasinan Provincial Election Supervisor, umabot na sa 2, 036,199 ang kabuuang bilang ng mga registered voters ngayong taon na mas mataas kumpara noong 2019 na may kabuuang bilang na 1,946, 682.

-- Advertising --

Sa nasabing bilang ng mga botante ngayong taon, karamihan dito ay mga kabataan at inaasahan pa ang pagtaas ng registered voters hanggang sa deadline sa darating na September 30.

Patuloy naman ang mga isinasagawang programa upang mabawasan ang posibilidad ng transmission ng covid19 sa pagpaparehistro at ang ilan dito ay ang irehistro at ang kanilang mobile app.

Sa pamamagitan nito ay mapapabilis ang proseso dahil pwedeng magfill out sa cellphones at iprint na lamang sa registration office.

Atty. Marino Salas, Pangasinan Provincial Election Supervisor

Mayroon namang 18 pilot areas ang moblie app sa Pangasinan kasama ang munisipalidad ng Bolinao, Mangatarem, Bugallon, Urbiztondo, Basista, Labrador, Urdaneta at iba pa.

Napatunayan din umano nila na secured at safe ang mga tao na pumupunta sakanilang opisina dahil mahigpit na nasusunod ang health protocols at kapag may covid19 positive sa barangay na pinagmulan ng indibidwal ay hindi ito pinapatuloy.