Patay ang isang PNP personnel matapos sumalpok sa poste habang binabaybay ang Bypass Road sa Brgy. Sta. Rosa, sa bayan ng Sta. Maria, Pangasinan.

Nawalan umano ng kontrol sa kaniyang minamanehong motorsiklo ang biktimang si PCpl. Mark Anthony Juanitez, 32, PNP personnel ng San Nicolas PS, at residente naman ng Brgy. Amistad, Tayug nang bigla itong tumama sa bakal na bahagi ng street light post sa nabanggit na lugar.

-- Advertising --

Bilang resulta, tumilapon ito sa kalsada.

Sinubukan pang itakbo ang naturang pulis sa Eastern Pangasinan District Hospital sa bayan ng Tayug ngunit idineklara ring dead-on-arrival.

Sa ngayon, ang motorsiklong minamaneho nito ay hindi pa tukoy ang kabuuang danyos ng pinsala at dinala na sa Sta. Maria PS para sa wastong disposisyon.