Tubong Pangasinan ang isa sa mga itinalaga ni US President Joe Biden sa isang departamento sa Amerika.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Dagupan, ang naturang Filipino pride ay si Camille Calimlim Touton, na inanunsyo ni Biden bilang Deputy Commissioner of the Bureau of Reclamation.

-- Advertising --

Ang kanyang ina ay si Marlene Bangsal mula sa bayan ng Calasiao at ang kanyang ama naman ay si Carl Calimlim mula naman sa barangay Tebeng dito sa lungsod ng Dagupan.

Si Touton ay nagtapos ng kursong BS in Engineering (Civil), BA in Communication Studies, and a Master of Public Policy sa Amerika at nagsilbi rin bilang counsel sa mga U.S. Senators, Members of Congress, at naging leader sa Department of Interior’s Office of Water and Science noong Obama Administration.

Isa ring makakasaysayang pangyayari ang pagkakatalaga kay Touton bilang isang Filipino American na naitalaga sa isang mahalagang agency leadership role.

Ang Bureau of Reclamation kung saan mangangasiwa ang naturang Pangasinan pride ay isang water management agency sa ilalim ng U.S. Department of the Interior, na sumusubaybay sa mga dams, canals, and hydroelectric plants sa parte ng Western United States.

Ito rin ang pinakamalaking wholesaler ng tubig at panagalawa sa pinakamalaking producer ng hydroelectric power in the kanlurang Amerika.