Naka-lock down ngayon ang tatlo sa walong Australian states and territories dahil sa pagkalat ng Delta variant ng Covid 19.

Ayon kay Bombo International News Correspondent Denmark Suede mula sa Sydney, Australia ang mga nabanggit na estado ay kinabibilangan ng New Southwales, State of Victoria at State of South Australia.

-- Advertising --

Sinabi ni Suede na nangangahulugan na pinagbabawalan ang mga tao na lumabas at pinapayagan lamang na mag operate ang mga essential stablishments.

Karamihan aniya ng may trabaho doon ay work from home.

Kuwento ni Suede ang punot dulot nito ay nang dumating noong June 9 ang isang federal express pilot galing Hawaii at nitong june 16 nahawaan naman ng delta variant ang isang individual na pumunta umano sa isang hotel at doon na nagsimulang kumalat.

Samantala, suportado naman ng federal government ang mga nawalan ng trabaho at pansamantalang nagsarang negosyo. May dagdag ding ayuda ang state government sa mga nagsarang negosyo.

Bombo International News Correspondent Denmark Suede

Sa kasalukuyan , sa buong Australia ay may naitala nang 1,452 active case at mahigit kalahati dito ay delta variant.

Nasa 29 naman ang nasa Intensive Care Unit o ICU.

Dagdag pa ni Suede na lumabas sa pag aaral na ang Delta variant ay 225 percent na mas mabilis na makahawa kaysa sa lumang strain virus.