Mahirap iugnay sa matter of national security ang ginagawang pagpigil sa mga resource person sa blue ribbon committee.

Ayon kay Atty. Joseph Emmanuel Cera, Constitutional lawyer dito sa lalawigan ng Pangasinan, mahirap ijustify ang pagpapigil ng pangulong Rodrigo Duterte sa mga resource person o mga cabinet member na ipinatawag ng mga senador ukol sa imbestigasyon sa pharmaly.

-- Advertising --

Giit ni Cera na ang ipinupunto ng pagpapatawag ay dahil gustong malinawan sa mga aligasyon kaya hindi lang titignan kung legal o hindi ang pagbibigay ng mga kompanya ng mga PPE.

Ngunit kailangan aniya na sagutin ang mga aligasyon o mga napag uusapan sa senado ukol sa kompanyang Pharmally upang malinawan ang taumbayan.

Hindi aniya malalaman ang totoo sa mga napag-uusapan sa senado kung hindi marinig ang depensa ng mga taong ipinatatawag sa pagdinig .

Mahalaga ring marinig ang depensa ng kabilang panig sa naging aligasyon lalo pat nadiskubre na may nangyari umanong ghost delivery.

Atty. Joseph Emmanuel Cera, Constitutional lawyer

Matatandaan na una nang pinagbawalan ng Pangulong Duterte ang Gabinete na dumalo sa imbestigasyon ng Senado dahil sa pagsasayang lamang ito ng oras at pamamahiya ng mga Senador.