-- ADVERTISEMENT --

Wala pang nakapasok na omicron variant ng covid 19 sa bansang Cambodia.

Ayon ito kay Bombo International correspondent Zarggie Eleoso, presidente ng Samahan ng mga Pilipino sa Cambodia sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan.

Sinabi ni Eleoso na halos lahat ng nadapuan ng delta variant ay gumaling na

Gayunman, mas naghigpit ang pamahalaan sa mga dumarating na traveller.

Hindi na muna pinapapasok sa bansa ang mga flights galing sa mga bansang nagkaroon ng omicron variant.

-- ADVERTISEMENT --

Gayunman, inanunsyo naman nito na nagresume na ang flghts ng Philippine airlines papuntang Pilipinas.

Dagdag pa niya na karamihan sa mga OFW doon ay mayroon ng booster shot.

Bombo International correspondent Zarggie Eleoso (Cambodia)