Todo ensayo na si Irish Magno ang kauna unahang Filipina boxer na qualify sa gaganaping Tokyo Olympics.

Sa ulat nito sa Bombo Radyo Dagupan, sinabi ni Magno na tuloy tuloy ang pagsasanay nito sa Thailand kasama ang dalawa pang Pinoy boxers.

-- Advertising --

Tinatayang na sa 90 percent na silang handa sa laban.

Samantala, dahil sa pandemya, bawal din silang lumabas doon at tanging ginagawa nila pag walang training ay maglakad lakad lang sa mismong training camp sa Thailand.

Dagdag pa ni Magno na natutunan na rin ang magvlog upang marelaks ang kanyang utak.

Bago tumungo sa tokyo Olympics, tutulak muna ang pinay boxer sa India para sa Asian championship.

Nagpapasalamat din siya sa Philippine Sports Commission dahil sa patuloy na suporta sa kanilang mga atleta.

Hiniling niya sa sambayanang Pilipino na ipagdasal sila na makarating ng ligtas sa Tokyo at makapag uwi ng medalya para sa bansa.

Irish Magno