Nagluluksa ang Estados Unidos sa pagpanaw ng kanilang dating bise presidente na si Walter Mondale sa edad na 93.

Sa ulat ni Bombo Radyo Dagupan – International Correspondent Isidro Madamba Jr., mula sa California, USA, nakilala rin umano si Mondale bilang isang magaling na ambassador at Minnesota attorney general.

-- Advertising --

Inanunsiyo ang pagkamatay ni Mondale ng kaniyang mga kaanak noong Lunes ngunit hindi na binanggit pa ang sanhi nito.

Nanilbihang bise presidente si Mondale sa ilalim ng administrasyon ng ika-39 na Pangulong si James Earl Carter Jr. (Jimmy Carter) mula 1977 hanggang 1981.

Sa kaniyang political career, sinubukan din nitong tumakbo sa pagka pangulo noong taong 1984 ngunit natalo sa katunggaling si Ronald Wilson Reagan (Ronald Reagan) sa electoral vote na 525-13.

Bombo Radyo Dagupan – International Correspondent Isidro Madamba Jr., California, USA

Si Mondale ay ipinanganak noong ika-5 ng Enero, taong 1928 mula sa mga magulang na Methodist minister at music teacher sa southern Minnesota.