Nagkaroon ng turn over of command ceremony sa Dagupan City Police Station matapos na magkaroon ng bagong Chief of Police ang Dagupan City PNP.

Pinangunanan ang seremonya ni PBGen. Rodolfo Azurin Jr., regional director of Police Regional Office 1, kasama sina PNP provincial director police col. Ronald Gayo at si Dagupan city mayor Mark Brian Lim.

-- Advertising --

Buong pasasalamat ni Lt. Col. Louise Benjie Tremor, bagong chief of police ng Dagupan sa mainit na pag tanggap sa kanya sa lungsod.

Pinalitan ni Tremor si outgoing police Lt. Col, Luis Ventura Jr na marereassign naman sa Provincial Mobile First Company sa bayan ng Tayug.

Bago naassign sa lungsod , si Tremor ay chief ng Drug Enforcement unit ng Police regional office 1.

Buwan ng Agosto ng nakaraang taon nang maitalaga sa lungsod si Ventura.

Ipinaliwanag naman ni Azurin na kaya napili si Ventura na maitalaga sa bahagi ng Tayug dahil siya ay kuwalipikado at may background sa pamamalakad para mamintina ang pagiging insurgency free ng lalawigan ng Pangasinan.

PBGen. Rodolfo Azurin Jr., regional director of Police Regional Office 1

Samantala, sinang ayunan naman umano ni PD Gayo ang pagtatalaga kay Ventura sa bayan ng Tayug.

PBGen. Rodolfo Azurin Jr., regional director of Police Regional Office 1