DAGUPAN, CITY— Naitala ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), ang mataas na high heat index levels kahapon, May 3 sa iba’t ibang mga lugar sa bansa kabilang na ang Dagupan City, Pangasinan sa temperaturang 46 degrees Celsius.

Matatandaan ding noong linggo ng nakaranas ng 45 degrees Celsius na heat index ang lungsod.

-- Advertising --

Maliban pa diyan, maging sa Sangley Point, Cavite ay nakapagtala ng heat index na 45 degrees Celsius; NAIA, Pasay City na nakapagtala ng 43 degrees Celsius; San Jose, Occidental Mindoro na mayroong 43 degrees Celsius; Iba, Zambales na mayroong 42 degrees Celsius; maging sa El Salvador City, Misamis Oriental sa kaparehong temperatura; Laoag City, Ilocos Norte sa heat index na 41 degrees Celsius; at Dipolog, Zamboanga del Norte sa kaparehong temperatura.