DAGUPAN, CITY— Nagpapatuloy na ang isinasagawang contact tracing matapos ianunsiyo mismo ni Dagupan City Mayor Marc Brian Lim na ito ay nagpositibo sa nakakahawang sakit na Covid19 .

Ang anunsiyo ay sa pamamagitan ng social media page na Public Information Office – Dagupan City.

-- Advertising --

Inihayag ni Mayor Lim, bilang isang public servant at opisyal ng gobyerno ay kinakailangan na ipagbigay alam sa publiko na siya ay nagpositibo sa Covid19 sa ngalan na rin ng transparency at full disclosure.

Aniya, noong nakaraang linggo ay nagkaroon ito ng exposure sa isang Covid19 positive kung kayat nagsagawa ito ng home quarantine.

Dagdag pa ng Alkalde, nagkaroon ng reactive result sa kanyang antigen test kung kayat agad na sumailalim sa RT PCT test at kahapon ay nakuha nito ang resulta na siya ay positibo sa Covid19.

Matatandaan, kamakailan lamang ay fully vaccinated na sa Covid19 vaccine si Mayor Lim matapos ang kanyang pagtanggap ng ikalawang dose ng bakuna.

Sa ngayon ay mild symtoms lamang ang nararamdaman ng ama ng syudad ng Dagupan.

Samantala, paalala naman sa publico ni Mayor Lim na kasalukuyan pa rin dumadaan sa Pandemya kung kayat huwag magpakampante at i-obserba ang istriktong health and safety protocols.