DAGUPAN CITY—        Pinaghahanap parin ng mga otoridad ang 63 anyos na barangay kagawad matapos barilin ang isang 55 anyos na lalaki na nakaalitan nito sa isang lamay sa Zone 4 Brgy Catablan, sa lungsod ng Urdaneta.

        Ayon sa impormasyon mula sa Urdaneta PNP, ang biktima ay kinilala bilang si Dante Sison na residente ng Zone 2 barangay Catablan, sa naturang lungsod at ang suspek naman ay si Rogelio Dizon na Kagawad sa nasabi ding lugar.

-- Advertising --

        Sa inisyal na imbestigasyon ng kapulisan, napagalaman na ang biktima at suspek ay nagkaroon ng mainit na sagutan sa lamay ng isang nagngangalang Laureta Avelida sa naturang lugar.

        Matapos nito ang suspek at biktima ay naglakad pauwi at habang sila ay nasa harap ng bahay ng biktima ay dito na ilang beses binaril ng barangay kagawad ang biktima.

        Ang biktima ay itinakbo sa Sacred Heart Hospital upang gamutin habang ang suspek naman ay agarang tumakbo matapos ng insidente.

        Sa ngayon ay patuloy parin ang imbestigasyon ng kapulisan sa naturang insidente.  (With reports from Bombo Adrianne Suarez)