-- ADVERTISEMENT --

Pinag aaralan na rin ng bansang Australia ang mga kaokolang measures upang malabanan ang bagong covid variant na omicron.

Ayon kay Denmark Suede, bombo International correspondent sa Australia sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan, dahil sinasabi ng mga eksperto ma mabilis makahawa at na walang epekto ang kasalukuyang mga bakuna sa nasabing variant kaya posibleng taasam pa ang dosage ng vaccine. Isa pang nakikitang solusyon dito ang pag develop ng bagong bakuna.

Giit din ni Suede na dapat mahigpit na bantayan ang paparating na mga traveller at iban na ang manggagaling sa mga bansa sa South Africa.

Samantala, binigyang diin pa ni Suede ang kahalagahan ng bakuna.

Malugod niyang inanunsyo na bumababa anhg hospital admission sa kanilang bansa at walang naitalang patay sa huling dalawang araw sa New Southwales at ito ay dahil sa paggana ng bakuna.

-- ADVERTISEMENT --
Denmark Suede, bombo International correspondent sa Australia