DAGUPAN, CITY— Inanunsyo ni Bani Mayor Gwen Palafox-Yamamoto na nagpositibo ito sa COVID-19.

Ayon sa facebook post ng alkalde, kagabi ay lumabas ang resulta ng kanyang RT-PCR test kung saan ito umano ay positibo sa naturang sakit.

-- Advertising --

Sa ngayon siya ay naka-isolate na upang hindi makahawa ng ibang indibidwal sa naturang sakit.

Inamin din nito na sa kasalukuyan ay nakakaranas ito ng pananakit ng kanyang lalamunan at nawalan din ng panlasa.

Humihingi din ng dasal ang naturang alkalde sa kanyang mga kababayan upang malagpasan ang pagsubok nito kontra sa COVID-19.

Pinaalalahan din niya ang publiko na totoo ang nabanggit na sakit kung kaya’t mainam umano na mag-suot ng facemask at maghugas ng kamay.