Narekober na ang bangkay ng 59 na taong gulang matapos itong malunod sa kasagsagan ng pananalasa ng Bagyong Maring sa bayan ng Lingayen sa lalawigan ng Pangasinan.

Ayon kay Kimpee Jayson Cruz Municipal Disaster Risk Reduction and Management Officer ng naturang bayan nakilala ang biktima na si Romulo Guttierres, residente ng Solis Street sa Barangay Poblacion, Lingayen.

-- Advertising --

Ayon sa imbestigasyon ay noong Martes ay kukuha sana ang biktima ng mga nahuling isda sakay ng maliit na bangka kung saan nadatnan na lamang umano ng kapatid nito na si Danilo Santos na tanging tsinelas na lamang ang naroon.

Pagsasaad din umano ng kapatid ng biktima na na nakakaranas ng sakit na arthritis ang biktima kung kaya’t mas nahirapan itong gumalaw na nagresulta upang mahagip ito ng malalakas na alon.

Kasama ang lokal na pamahalaan ay kahapon ng tanghali narekober ang katawan ng biktima.