Hindi sinang ayunan ng Alliance of Concerned Teachers ang naging pahayag ng Department of Education na “successful and victorious” ang pagbubukas ng klase kahapon kasabay ng pagprotesta ng ilang mga guro sa kanilang pagtutol dito.

Ayon kay France Castro, Representative ng ACT-Partylist, hindi matatawag na matagumpay ang pagbubukas ng klase dahil hindi naman maikakaila na hindi parin kinokonsidera ng Deped ang totoong sitwasyon ng mga guro pati rin sa kanilang mga estudyante at sa mga magulang na lubhang apektado ng kasalukuyang sistema ng edukasyon sa bansa.

-- Advertising --

Halimbawa na lamang umano rito ay ang mga guro parin ang sasagot sa gastusin sa kanilang internet access na hindi na rin sasapat sa kanilang sahod bilang mga guro.

Halos wala na ring pahinga ang mga guro dahil pinagsasabay sabay rin ang kanilang isinasagawang orientation at distribution ng mga modules bago ang pagbubukas ng klase.

Isa ring halimbawa ay ang mga guro parin ang nagpriprint ng kanilang mga modules na dapat ay hindi na sila ang gumagawa ngunit dahil sa kawalan ng magandang plano ng Deped ay hindi parin natugunan ito.

Dismayado rin ang mga guro dahil hindi parin binago at pinalitan ang curriculum na dapat ay aakma sa kanilang pagtuturo ngayong pandemya.

France Castro, Representative ng ACT-Partylist

Dagdag pa ni Castro, matagal na nilang iminumungkahi na magbigay narin ng health risk assessment ang Deped para sa limited face to face classes ngunit wala paring inilalabas hanggang ngayon at sa halip na tutukan ito ay mas dinagdagan pa ang number of classes ng mga guro