Nakaalerto ngayon ang national guard sa may bahagi ng Illinois bilang paghahanda sa posibilidad na pagkakaroon ng kaguluhan.

Ayon kay Bombo International Correspondent Maria Nicia Guanco, mula sa Illinois, USA, ginawa ang paghihigpit ng seguridad kasunod ng mga nangyayaring protesta sa ibang estado ng Amerika sa gitna ng gitgitang laban sa pagitan nina US President Donald Trump at Democratic Candidate Joe Biden.

-- Advertising --

Ayon kay Guanco, hindi pa naisasapinal ang resulta sa Illinois.

Bombo International Correspondent Maria Nicia Guanco

Tinawag pa niya itong most highly contested election sa kasaysayan ng Estados Unidos dahil sa gitgitan o dikit ang laban ng dalawang kandidato.

Mas maraming mamamayan din ang bumuto ngayon kumpara sa mga nagdaang mga eleksyon, pero ang nagpa delay lang aniya ng resulta ay mga nagpadala ng boto sa pamamagitan ng koreo.

Bombo International Correspondent Maria Nicia Guanco