DAGUPAN, CITY— Patay ang isang 58 anyos na magsasaka matapos umanong ma-heat stroke sa barangay Tumling sa Malasiqui, Pangasinan.

Ayon sa impormasyon mula sa Malasiqui PNP, natagpuan umano ng mga batang mangunguha lamang sana ng duhat ang bangkay ng biktima na kinilalang si Noli Arcillia kung saan bago ang insedente ay nakita pa itong nagdidilig ng halaman sa isang bukid pasado alas-singko ng hapon.

-- Advertising --

May sakit umano sa puso at may diabetes ang biktima kung kaya’t hanggat maari hindi siya basta basta pinapayagan ng kanyang pamilya na mag-isa sa trabaho.

Malaking factor umano ang mainit ng panahon sa pagkasawi ng biktima.

Matatandaang ilang linggo na ring nakakaranas ng mataas na heat index ang lalawigan ng Pangasinan kung kaya’t patuloy pa rin ang paalala ng kinauukulan na iminom ng maraming tubig, sumilong sa malilim na lugar, at iwasan na muna ang anumang physical activities tuwing tanghali at hapon.