Isang 56 anyos na Filipino nurse ang nakaakyat sa Mount Everest.

Kinumpirma ni bombo correspondent  Rufino Legarda Gonzales II mula sa United States,  ang matagumpay na pag –akyat ni Samuel Yap , isang  Filipino nurse, tubong Ilo Ilo City  na nagtratrabaho sa isang hospital sa New Jersey sa pinakamataas na bundok sa mundo.

-- Advertising --

Nabatid na 18  silang magkakasama na binubuo ng 4 na babae at 14 na lalaki, kung saan si Yap ang pinakamatanda sa kanilang lahat.

Tumagal ng 10 araw bago nila narating ang Mt. Everest.

Una rito, 12 an araw ang target nila pero umabot lang ng 10 araw.

Samantala, bago naakyat ang Mt. Everest, nakaakyat na rin siya sa iba pang matataas na bundok sa Pilipinas gaya ng Mt. Apo,  Mt. Pulag at marami pang iba.