Ikinakabahala ng Pangasinan Irrigation Management Office ang posibilidad na maapektuhan ang nasa 50 porsyento ng mga sakahan sa probinsya sa kakulangan ng patubig.

Ayon kay Engr. Gaudencio De Vera, Manager ng Pangasinan Irrigation Management Office, sa kabuuang ito ay mayroong 15,000 na mga magsasakang nakapagtanim na kaya ang mga ito striktong minomonitor upang hindi rin tuluyang masira ang kanilang mga pananim at makaabot hanggang sa mag ani na ang mga ito.

-- Advertising --

Sa ngayon naman isa rin sa kanilang ginagawang hakbang ay ang pagpapaalala sa mga magsasaka na binabalak ng magtanim na ipagpaliban muna ito hanggang sa bumalik sa normal ang lebel ng tubig sa San Roque Dam upang hindi maapektuhan ang kanilang mga sakahan.

Engr. Gaudencio De Vera, Manager ng Pangasinan Irrigation Management Office

Pinapayuhan din ang mga nakapagtanim na na gamitin muna ang kanilang mga water pump pansamantala dahil magsasagawa rin ang kanilang tanggapan ng rotation at rescheduling sa patubig upang hindi rin gaanong mahirapan ang mga magsasaka.
.