DAGUPAN CITY —       Patay matapos malunod ang isang 42 anyos na lalaki sa Agno River sa bayan ng San Nicolas.

        Sa imbestigasyon ng mga kapulisan ang biktima na kinilalang si Zaldy Lomibao, residente ng Brgy. San Felipe Sur, sa bayan ng Binalonan ay nakikipaginuman kasama ang kaniyang mga kamag-anak malapit sa Agno River, sa bahagi ng Sitio Moguing San Felipe West sa bayan ng San Nicolas.

-- Advertising --

        Matapos nito ay nagpunta ang biktima sa ilog at sa kalagitnaan ng kaniyang paglangoy ng ay nalunod ito at hindi na nasagip ng kaniyang mga kamag anak dahil sa malakas na agos ng tubig.

        Tumawag ng tulong ang mga ito at narescue ng isang mangingisdang nagngangalang si Yolando Bartolome, 36 anyos at residente ng naturang lugar.

        Agarang namang dinala sa Rural Health Unit sa bayan ng San Manuel ang biktima ngunit ideneklara na itong Dead on Arrival ng sumuring doktor. (With reports from Bombo Adrianne Suarez)